May dalawang counterpart sa bawat transaksyon:
Nagbabayad ang mga market taker para sa bawat transaksyon. Ang laki ng bayarin ay nakadepende sa dami ng iyong mga trade. Kada 24 na oras, kinakalkula namin ang dami ng trading sa nakalipas na 30 araw ng trading sa iyong account at dynamic na isinasaayos ang halaga ng komisyon alinsunod sa talahanayan:
Ang mga limitasyon sa deposito at withdrawal sa iyong cryptocurrency exchange ay tinutukoy lang ng mga limitasyon sa deposito at withdrawal sa currency ng iyong paraan ng pagbabayad.
Hindi mo kailangang mag-withdraw gamit ang parehong paraan ng pagbabayad na ginagamit sa pagdedeposito ng mga pondo. Puwede mong i-withdraw ang iyong mga pondo gamit ang anumang paraan ng pagbabayad na available sa exchange. Ang listahan ng mga available na paraan ng pagbabaayad ay makikita sa tab na "Account" sa pamamagitan ng pagpili sa "Magdeposito" o "Mag-withdraw" para sa kinakailangang currency.
Simbolo | Pangalan | Fee |
---|
Kung hindi ka makapag-withdraw ng mga pondo:
Nagbabago ang mga bayarin sa deposito at withdrawal depende sa piniling currency at paraan ng pagbabayad. Puwedeng abutin ang mga deposito sa pamamagitan ng mga bank transfer ng hanggang 2-5 araw.
Tulad ng ibang mapagkakatiwalaang cryptocurrency exchange, inilalaan namin ang karapatan na ibinbin ang mga pag-withdraw ng customer nang hanggang sa 72 oras para sa mga panseguridad na pagsusuri.
Isaalang-alang ang naipong bayarin dahil sa piniling diskarte sa trading
Pumili ng exchange nang isinasaalang-alang ang iyong mga layunin para mabawasan ang mga gastos mo. Karaniwang nagiging pareho lang ang gastos sa mga cryptocurrency exchange na may mga maliit na bayarin sa transaksyon dahil sa mataas na deposito/bayarin sa pag-withdraw.
Puwede kang magpapalit ng fiat money para sa cryptocurrency sa trading exchange na ito, at cryptocurrency para sa fiat money. Ang mga rate ng cryptocurrency sa aming website ay karaniwang mas maganda sa mga karaniwang currency exchanger online. Kapag ginagamit ang aming trading exchange para sa pagpapapalit ng mga cryptocurrency para sa fiat money, mas magandang pumili ng mga system ng pagbabayad na may minimum na bayarin sa deposito/withdrawal. Gayunpaman, hindi ginagarantiya na magkakaroon ng buyer para sa iyong alok.
Alinsunod sa mga tuntunin at kundisyon ng exchange, kailangan mong kumumpleto ng pag-verify para makagamit ng mga fiat na pondo.
Ang pagpapapalit ng cryptocurrency sa fiat money nang hindi nagpaparehistro o nang walang bayarin ay posible lang kapag nakikipag-ugnayan sa mga pribadong party, at hindi ito ligtas. Mas mababawasan ang panganib kapag gumamit ka ng trading exchange o mapagkakatiwalaang currency exchange venue.
Hindi pinapayagan sa aming exchange ang paglilipat ng mga pondo sa pagitan ng mga account ng mga customer.
Pakitandaan! Walang paghihigpit sa mga transfer sa mga bank card
Ang mga card na inilabas sa US ay hindi pinapayagan para sa mga deposito at withdrawal. Hindi available para sa withdrawal ang mga MasterCards mula sa Russia.