FAQ

Mga pangkalahatang query

Ano ang cryptocurrency?

Ang cryptocurrency ay isang naka-decentralize, at nakabatay sa blockchain na digital na currency. Walang lupon ng estado ang puwedeng kumontrol sa mga transaksyon.

Dahil sa mga paraan ng pagprotekta sa cryptographic data, imposibleng makakuha ng impormasyon tungkol sa mga party na nauugnay sa mga transaksyon.

Ano ang CREX24?

Ang CREX24 ay isang propesyonal na exchange platform ng cryptocurrency na tumatakbo na simula noong 2017.

Pinagsasama nito ang ilang virtual currency sa iisang platform.

Nag-aalok ang CREX24 ng mga mababang commission rate, na nagbibigay-daan sa mga trader na ma-maximize ang kanilang kita.

Walang itinalagang limitasyon ang exchange site sa mga deposito o withdrawal.

Nagpapatakbo ang kumpanya sa lahat ng bansa, maliban sa UK, USA, Canada, at Israel.

Ano ang Bitcoin?

Ang Bitcoin ay ang unang cryptocurrency. Nakabatay ang karamihan ng iba pang digital na currency sa open source code ng Bitcoin. May masa mataas na liquidity ang Bitcoin kumpara sa iba pang cryptocurrency, na nangangahulugang mas madali itong i-exchange para sa mga fiat currency at produkto/serbisyo.

Ano ang Swap?

Ang Pag-swap ay proseso kung saan ine-exchange ang isang cryptocurrency para sa isa pa sa isang nakatakdang rate.

Sa halip na magbenta ng isang coin para bumili ng isa pa bilang kapalit ng mga token, isang coin ang instant na ine-exchange para sa isang bago nito. Samakatuwid, kinakailangan ang transaksyon dahil kung hindi ay mawawalan ng pera ang may-ari.

Ang Swap ay karaniwang isinasaayos ng mga coin developer at nangangailangan ng malalaking teknikal na pagbabago sa blockchain ng kinakailangang coin.

Walang kinakailangang pagkilos sa bahagi ng mga user.

Pansamantalang hino-hold ang mga deposito, withdrawal, at exchange sa oras ng Pag-swap.

Naka-set up na ang bagong wallet. Kine-credit ang mga coin sa bagong may-ari ng coin, at nade-debit ang mga lumang coin.

Kapag natapos, ipagpapatuloy ang mga deposito, withdrawal, at trade.

Anong mga coin ang sinusuportahan sa exchange na ito?

BTC (DASH/PIVX), ERC20, mga Waves token, at mga TRX (TRC10) token.

Ano ang ibig sabihin ng "kabuuang halaga ng mga holding"?

Ang kabuuang halaga ng mga holding ay ang pagtatantyang halaga ng mga coin at token na mayroon ang isang user sa USD o BTC, kung nag-convert sa kasalukuyang rate.

Kung hindi mate-trade ang isa sa mga currency sa kasalukuyan, zero ang value.

Mayroon ka bang mobile app?

Available na ang Android app sa Google Play.

Kasalukuyang ginagawa ang iOS app.

Impormasyon ng account at personal na impormasyon

Paano magparehistro

Sagutan ang form sa pagpaparehistro:
  • Email address (ginagamit bilang identifier sa website)
    Pinapayuhan ka naming gumamit ng email address na nakarehistro sa isang makapagkakatiwalaang services provider, tulad ng Gmail.com.
  • Password
    Dapat ay mayroong hindi bababa sa 8 character ang iyong password, na may mga titik na uppercase at lowercase, at mga numero.
  • Captcha
    Tapusin nang maingat at mabilis ang Captcha.
  • Basahin ang mga tuntunin at kundisyon

I-click ang "Magparehistro".

Sundin ang mga tagubiling ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng email.

Hindi ako nakakatanggap ng mga email. Ano ang dapat kong gawin?

Kung nakakaranas ka ng mga problema sa pagtanggap ng mga email mula sa amin, ang unang dapat gawin ay tingnan ang iyong spam folder at junk mail.

Pinapayuhan ka rin naming tiyakin na hindi naka-blacklist ang aming email address.

Kung hindi darating sa loob ng 10 minuto ang email, subukang humiling nito ulit. Kung hindi pa rin ito matagumpay, makipag-ugnayan sa technical support: [email protected] .

Pakitandaang ipinapayo na gumamit ng address na nakarehistro sa isang mapagkakatiwalaang email provider kapag gumagawa ng account sa aming website.

Ipinapayo namin ang paggamit ng Gmail account.

Puwede bang baguhin ang aking email address?

Para baguhin ang iyong address, kakailanganin mong patunayan na sa iyo ang iyong account.

Makipag-ugnayan sa technical support: papadalhan ka ng listahan ng mga tanong na DAPAT mong sagutin.

Pakitandaan:

Mababago lang ang iyong email address kung hindi na accessible ang iyong naunang account, o kung hindi nakarating sa iyo ang mga email ng CREX24.

Paano mag-trade

Paano magdeposito

Kapag naparehistro ka, puwede mong i-top up ang iyong account gamit ang cryptocurrency o fiat money (RUB, USD, EUR, atbp).

Kung magdedeposito ka sa account gamit ang cryptocurrency, buksan ang iyong page na "Account", piliin ang coin/token na gusto mong gamitin, mag-click sa icon ng pagdeposito (larawan 1), at kopyahin ang nabuong address na para sa iyo.

Gamitin lang ang address na ito para magdeposito; kung hindi, mawawala ang iyong mga pondo.

Mag-ingat sa mga ERC-20 token: gamitin lang ang nabuong address (larawan 2).

Mag-ingat kapag nagdedeposito: ang ilang token at coin ay may kinakailangan sa pagdeposito. Make-credit lang sa iyong account ang mga deposito na mas mababa sa kinakailangang halaga pagkatapos maabot ang minimum na halaga.

May ilang partikular na coin na nangangailangan ng espesyal na tag kapag nagdeposito (larawan 3). Kinakailangan ang tag para sa deposito; kung hindi, hindi papasok ang mga coin sa iyong account.

Paano kung hindi nabuo ang isang address?

Kung nakita mong walang nabuong address para sa coin na pinili mo,

subukang i-refresh ang page nang ilang beses. Kung hindi ito gagana, makipag-ugnayan sa technical support ng exchange.

Paano kung hindi sinasadyang nadeposito ang maling coin?

Hinihikayat ka naming mag-ingat sa pagdeposito. Kung hindi dapat nagkapagdeposito, hindi mare-refund ang transaksyon.

Ikaw ang nagdedeposito sa account, kaya hinihikayat ka namin nang maaga na tiyaking ang lahat ng ibibigay mong data ay tama (field ng address, halaga, mensahe – kung kinakailangan).

Paki-check din ang ticker at ang buong pangalan ng iyong coin o token.

Pag-top up ng wallet sa pamamagitan ng QIWI

Kapag nagdedeposito sa isang account gamit ang iyong QIWI wallet, pakitandaan na hindi ike-credit ang mga pagbabayad kung invalid o mali ang iyong Mensahe.

Mga hakbang sa pagdedeposito sa account:

  1. Sa seksyong "Account", pumili ng currency at i-click ang "Magdeposito". Piliin ang QIWI bilang paraan ng pagbabayad.
  2. Mapupunta ka sa page mo sa QIWI Wallet, kung saan kailangan mong kumpirmahin ang transaksyon.
  3. Suriin ang mga detalye: numero ng telepono (1), Mensahe (2), at halaga (3). Huwag gumawa ng anumang pagbabago.

    Mag-log in kung kinakailangan.
  4. Susunod, i-click ang "Magbayad".
  5. Kumpirmahin ang transaksyon at kumpletuhin ang pagbabayad.

Paano mag-withdraw ng mga pondo

Para mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong CREX24 account, pumunta sa page na "Account".

Piliin ang currency na gusto mong i-withdraw. Ilagay ang mga detalye (address, halaga, at Payment ID/Mensahe kung kinakailangan). (Larawan 1)

Pagkatapos nito, makakatanggap ka ng email na nagkukumpirma sa iyong pag-withdraw (larawan 2).

(Kung hindi ikaw ang humiling ng pag-withdraw, kanselahin ang transaksyon sa iyong account at makipag-ugnayan sa technical support ng exchange.)

Kapag nakumpirma sa pamamagitan ng email ang iyong pag-withdraw, awtomatikong magbubukas sa website (larawan 3) ang isang window sa pag-withdraw ng pondo. Kung may naka-set up sa iyo na 2FA, kakailanganin mo munang maglagay ng authenticator code.

Paano kung na-hold o nakansela ang aking pag-withdraw?

Kung lumampas na ang kalahating oras at hindi pa nakukumpirma ang iyong pag-withdraw o hindi pa lumalabas sa seksyong Mga UIat, makipag-ugnayan sa teknikal na suporta ng exchange.

Kung awtomatikong nakansela ang iyong pag-withdraw, tingnan kung ganap na natutugunan ang lahat ng kinakailangan sa pag-withdraw.

Ituturing na valid ang mga pag-withdraw kung natutugunan ng mga ito ang mga sumusunod na kundisyon:

  1. Nakumpirma ang iyong address.
  2. Available sa iyong account ang halagang nakasaad (hindi kasama ang mga aktibong order). Naglagay ka ng 7 digit pagkatapos ng kuwit, at hindi 8 digit.
  3. Kung kailangan mong maglagay ng Mensahe kapag gumagawa ng kahilingan sa pag-withdraw, tiyaking tama at wasto ito.
  4. Puwedeng magbago ang mga address pagkatapos ng Pag-swap, kaya tiyaking tama ang address para sa pag-withdraw.
  5. Kung nagwi-withdraw ka ng ETH, tiyaking hindi mo ginagamit ang address ng kontrata.

Kung tama ang lahat ng nasa itaas pero mayroon pa ring isyu sa pag-withdraw, makipag-ugnayan sa Support team ng exchange.

Anong address ang dapat gamitin kapag nagwi-withdraw sa ibang exchange o wallet?

Kapag nagwi-withdraw ng mga pondo, dapat kumpletuhin ang mga kinakailagang field. Ang "Address" ay dapat naglalaman ng kasalukuyan at gumaganang address ng iyong wallet o website/exchange kung saan mo gustong i-credit ang mga pondo.

Pakitandaan na kung matagumpay ang transaksyon pero hindi na-credit ang mga pondo sa iyong ibang account o wallet, kakailanganin mong tingnan kung tama ang ginamit mong address.

Puwede kang makipag-ugnayan sa serbisyo sa Customer Support ng exchange/website, dahil posibleng isyu ito sa kanilang bahagi at tutulong sila sa pag-credit ng mga pondo.

Walang responsibilidad ang CREX24 para sa ilalagay mong address kapag nagwi-withdraw.

Ikaw ang naglalagay ng address, kaya palagi naming ipinapayo na suriin mo ang pagiging tunay ng address. Kung magta-transfer ka sa isang wallet, tiyakin nang maaga kung tama ang link.

Ano ang dapat kong gawin kung ginamit ko ang maling impormasyon sa pag-withdraw?

Kapag na-click mo ang “Kumpirmahin ang pag-withdraw”, awtomatikong magsisimula ang proseso ng pag-withdraw. Sa kasamaang palad, walang paraan para ihinto ito.

Kung magpapadala ka ng mga pondo sa isang invalid na address, gumamit ng ibang paraan para hanapin ang at/o makipag-ugnayan sa tatanggap.

Kung magta-transfer ka ng mga pondo sa isa pang exchange na may invalid o walang laman na tag o paglalarawan, makipag-ugnayan sa kumpanya at ibigay sa kanila ang TxID para ma-refund nila ang iyong pera.

Bakit ang tagal na makakuha ng 1 pagkumpirma kapag nagwi-withdraw ng BTC?

Nakadepende ang panahon sa load ng network at average na bayarin sa komisyon ng network.

https://bitinfocharts.com/comparison/bitcoin-transactionfees.html

Kung ang average na bayarin sa komisyon ng network para sa mga pag-withdraw ay tataas kaagad nang husto pagkatapos isumite ang transaksyon sa blockchain, ang ibig sabihin, posibleng mas magiging matagal ang pag-withdraw.

Pero magiging matagumpay ang transaksyon kapag nagkaroon ito ng 1 kumpirmasyon.

Bakit hindi ko ma-withdraw ang aking pera?

  1. Pinaghihigpitan ang mga pag-withdraw sa loob ng 72 oras pagkatapos mabago ng password. Magpapadala ng notification sa pamamagitan ng email.
    Kung hindi ka humiling ng bagong password, makipag-ugnayan sa Customer Support.
  2. Posibleng may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account.

Puwedeng paghigpitan ang mga pag-withdraw para sa mga panseguridad na dahilan. Makipag-ugnayan sa Customer Support.

Paano mag-order

Piliin ang coin/token na gusto mong ibenta/bilhin.

Pumunta sa page na "Mga Market" para sa coin na pinili mo (larawan 1).

Dito ay makikita na namin ang mga form sa Pagbenta/Pagbili (larawan 2).

Tiyaking sapat ang kabuuan ng iyong coin para mag-order.

Puwede mong manual o awtomatikong punan ang "Halaga" at "Presyo" sa pamamagitan ng pagpindot sa "Balanse" at "Pinakamagandang ask/bid" (larawan 3).

Ano ang pinapayagan na minimum/maximum na halaga ng order?

Magkakaiba ang minimum/maximum ayon sa coin at trading pair.

https://api.crex24.com/v2/public/instruments?filter=BTT-BTC,DOGE-BTC

Makikita ang halaga sa field na "minVolume".

Ang maximum na laki ng order ay 999,999,999 coin/token.

Bakit na-update ang balanse sa pinakabagong halaga?

Para maunawaan kung bakit mali ang ipinapakitang balanse, may ilang bagay na puwedeng tingnan:

Buksan ang page ng "Mga Ulat", at sa "Aking mga order", makikita mo kung aktibo pa ang iyong order. Kung aktibo pa ito, posibleng hindi ito ganap na maipatupad.

Kung ganito ang mangyayari, kakailanganin mong hintayin na matapos ang iyong order. Kapag ganap na napatupad, matatanggap mo ang buong halaga.

Mahalaga ring tandaan ang bayarin sa trading .

Ano ang tumutukoy kung gaano kabilis naipapatupad ang isang order?

Nakadepende sa mga user ang tagal sa pagpapatupad ng order.

Kapag may bumili ng order, ipapatupad kaagad ito.

May epekto ba ang presyo ng currency sa pagpapatupad ng order?

Oo, ganap itong nakadepende rito.

Paano ipinapatupad ang mga order?

  1. Nag-order ang isang customer.
  2. Isa pang customer ang bumili/nagbenta ng coin sa presyo ng order.
  3. Depende sa binili/ibinentang halaga ng coin, ganap o hindi ganap na ipinapatupad ang order.
  4. Kung unti-unting ipapatupad ang order, mas tatagal ito: hanggang sa ganap itong mapatupad o hanggang sa kanselahin ito.

Sino ang mga partido sa transaksyon?

  • Market maker ("Maker"). Nag-o-order ang Maker (para bumili o magbenta) sa market bago magkaroon ng transaksyon. Gumagawa ito ng liquidity sa market (nagkakaroon ng order book).
  • Market taker ("Taker"). Tinatapos ng Taker ang transaksyon sa kasalukuyang alok. 

Suporta at seguridad

Puwede bang makipag-ugnayan sa Support service sa pamamagitan ng Skype/Viber/Telegram/WhatsApp, o anumang iba pang voice messenger?

Sa kasamaang palad, hindi. Pero palagi kang makakatanggap ng tugon sa iyong mga query sa pamamagitan ng pag-email sa mga ito sa Customer Support team sa:

https://crex24.com/contact

Hindi kami basta tatawag sa mga customer at hindi kami makikipagkasundo sa mga trade o alok sa ngalan ng CREX24.

Pakitandaan na puwedeng subukan ng mga manloloko na magpanggap bilang isang kinatawan ng exchange.

Gaano katagal para makatanggap ng sagot?

Walang tigil ang pagpapatakbo ng Support Service ng CREX24, at tutugon ito sa iyong mga query sa loob ng 24 na oras.

Available ang Serbisyo sa English at Russian.

Paano ko mapoprotektahan ang aking account

Pumili ng malakas na password.

I-enable ang 2FA (Two-factor na pag-authenticate): Pumunta sa Aking Account – tab na Seguridad.

Tandaang i-save ang iyong backup code.

Ano ang 2FA (two-factor na pag-authenticate)?

Para paigtingin ang seguridad ng iyong account sa pag-log in, gumamit ng natatanging isang beses na passcode pati na rin isang password. Para dito, kakailanganin ang Google Authenticator.

Ano ang magagawa ko kung hindi gumagana ang two-factor na pag-authenticate?

Kung hindi gumagana ang nabuong code ng Google Authenticator app, tingnan ang mga setting ng petsa at oras sa iyong telepono.

Paano kung wala na akong access sa 2FA ng Google Authenticator?

Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Technical Support at sumagot ng isang hanay ng mga tanong.

Kinakailangan ang mga tanong dahil kakailanganin naming tiyakin na ikaw ang may-ari ng account.

Kapag nasagutan mo na ang mga query, ilalagay ka sa waiting list.

BABALA! Para sa seguridad ng iyong account, hinihikayat ka naming huwag ibigay ang iyong mga detalye sa sinumang third party/hindi kakilala para maiwasan ang mga hindi gustong resulta.

Pakitandaan na kung isa kang bagong customer at wala kang anumang aktibong transaksyon sa account, pinapayuhan ka namin na gumawa ng bagong account kung mawawalan ka ng access sa 2FA ng Google Authenticator.

Paano ko ire-recover ang aking password?

  1. Kung nakalimutan mo na ang password sa iyong account, may simpleng proseso para i-recover ito: pindutin ang "Pag-recover ng password".
  2. Sa nakalaan na field na "Email", ilagay ang aktibong email address na ginamit mo noong ipinarehistro mo ang iyong account.
  3. Magpapadala sa iyo ng higit pang tagubilin sa pamamagitan ng email.
  4. Kapag natanggap mo na ang email hinggil sa pagbabago mo ng password, ilagay ang confirmation code.
  5. Gumawa ng malakas na password na may mahigit 8 character, na may mga numero at titik na uppercase at lowercase.
  6. Kumpirmahin ang iyong bagong password.

Mag-log in sa iyong account gamit ang iyong bagong password.

Puwede ko bang gamitin ang iyong serbisyo bilang isang pangmatagalang wallet?

Hindi ka papayuhan ng aming exchange company na gamitin ang iyong CREX account bilang pangmatagalang wallet. Dapat lang itong gamitin bilang pansamantalang wallet habang nagte-trade.

Para maiwasan ang anumang problema sa pag-withdraw ng mga pondo, hinihiling namin na hindi mo ipunin ang mga ito dahil lang sa matagal na pagtatabi sa mga ito.

Ginagawa namin ang aming makakaya para panatilihing secure ang iyong mga pondo; gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga exchange site ay palaging pinupuntirya ng mga hacker.

Pag-verify

Mahalagang tandaan na kakailanganin mong pumasa sa pag-verify para magkapagdeposito ng fiat money.

May ilan kang system ng pagbabayad na magagamit para magdeposito sa account.

Hindi inaatas ang pag-verify para sa ePay o QIWI.

Para sa mga deposito sa pamamagitan ng WebMoney at Yandex.Money, kakailanganin mong i-upload ang mga sumusunod na dokumento:

– Pasaporte/ID

– Isang larawan ng iyong personal na account (na may mukha mo sa background ng page ng system ng pagbabayad, at nang nakikita ang iyong account number sa page)

Dapat ibigay ang sumusunod kung magdedeposito gamit ang Mastercard o Visa:

– Pasaporte/ID

– Larawan ng iyong bank card (ang ginamit mo para mag-debit ng mga pondo)

– Larawan ng utility bill

– Iyong mukha sa tabi ng ID card o unang pahina ng iyong pasaporte

– Selfie kasama ang iyong bank card

Paalala! Dapat ay malinaw na nakikita ang impormasyon. Mga orihinal na dokumento lang ang gamitin.

Kapag nagdeposito ka na sa account, magpapadala sa iyo ng email na may mag tagubilin sa pag-verify.

Hindi kinakailangan ang pag-verify para sa pag-withdraw ng fiat currency. Ang mga system ng pagbabayad na magagamit mo ay ang ePay, WebMoney, QIWI, at Yandex.Money.

Pag-block ng iyong account sa pamamagitan ng email

Ginawa ang feature na ito para sa mga customer na naniniwalang ang kanyang account ay na-hack o kasalukuyang hina-hack. Kung makakapansin ka ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa iyong account, puwede mo itong i-block.

Ipagbabawal ang pag-access sa iyong account at ang lahat ng pagdeposito/pag-withdraw at trading sa/mula sa iyong account.

Para i-unblock ang iyong account, makipag-ugnayan sa aming Customer Support team.

Pakiingatang huwag ma-block nang hindi sinasadya ang iyong account.

Karagdagang impormasyon

Ano ang mga tuntunin para sa iyong programa sa referral?

Kung interesado ka sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa aming exchange, matutuwa kaming ipakilala sa iyo ang aming programa sa referral.

https://crex24.com/settings/affiliate

Mag-generate ng link at kopyahin ito para sa pag-publish, gaya ng nasa larawan 1 at 2:

Ang mga pondo ay make-credit sa balanse sa pag-refer para sa mga sumusunod na pagkilos ng mga na-refer na customer:

  • Trading (50% ng komisyon sa trading)
  • Paglalaro (Dice) (1% ng stake sa bawat roll)
  • Pag-withdraw ng cryptocurrency (50% ng bayarin sa pag-withdraw)

Puwede mong i-delete ang link na nabuo sa anumang oras gusto mo (larawan 3).

Ano ang mga faucet?

Ang feature na "Gumawa ng faucet" ay pangunahing na-develop para sa mga coin developer, pero puwedeng gumawa ng faucet ang sinumang customer kung gusto nila.

Pakitandaang hindi ka magkakaroon ng anumang kita sa paggawa ng faucet.

Ang feature na ito ay idinisenyo para i-promote ang paggamit ng mga coin at token at gawing mas sikat ang mga ito.

Kasama ba ang mga faucet sa programa sa referral?

Hindi. Hindi kumukuha ng komisyon ang exchange mula sa mga faucet, at ibig sabihin, hindi ito nagbabahagi ng mga kita sa mga affiliate.

Coin burn

Posible lang ang pag-burn para sa mga coin kung saan ang iyong mga kabuuang holding ay mas mababa sa minimum na halaga ng order. Kung ang kabuuan sa iyong account ay mas mataas sa minimum na halaga ng order, imposibleng i-burn ito.

Binuo ang feature na dust burn para i-liquidate ang mga coin na hindi maibebenta.

Puwede mong i-burn ang iyong natitirang coin kung:

  • Mayroon kang aktibong trading pair
  • Hindi mo puwedeng ibenta ang mga ito, ibig sabihin, hindi sapat ang mayroon ka para maabot ang minimum na laki ng order
  • Hindi ipinagbabawal ang pagbebenta sa iyong account
  • Hindi ka pa lumampas sa maximum na pagsubok sa pag-burn para sa alinman sa iyong mga coin: 5 beses sa 24 na oras (hal. kung pipindutin mo ang "I-burn" at kakanselahin ang proseso, mabibilang ito sa isang pagsubok, at magkakaroon ka ng 4 na natitirang pagsubok)

Puwede ba akong mag-mine gamit ang exchange wallet na ito?

Hindi ipinagbabawal ang pag-mine, pero hindi ito inirerekomenda dahil sa panganib ng pagkawala ng mga coin.

Pinakamainam na mag-mine gamit ang iyong wallet at pagkatapos ay magdeposito sa iyong exchange account.

Paano kung na-delist ang mga ERC20 token?

Kung hindi na-trade sa ibang website ng exchange ang na-delete na token, puwede mong i-withdraw ang mga token sa mga wallet na third-party/hardware.

Available kaagad ang impormasyon tungkol sa mga wallet na ito.

Halimbawa: https://medium.com/swlh/guide-to-storing-erc-20-tokens-on-popular-wallets-be193e9279dc

Paano ko malalaman kung tama ang link para sa aking wallet?

  1. Buksan ang iyong wallet.
  2. Buksan ang window sa pag-debug.
  3. Sa susunod na window, hanapin ang "Kasalukuyang numero ng mga pag-block".
  4. Pumunta sa "Console", at sa "getblockhash" na command, ilagay ang natanggap mong block number at pindutin ang Enter.
  5. Kapag natanggap mo ang hash code, pumunta sa explorer ng coin at ilagay ito sa search bar. Tingnan kung tugma ang data (kasalukuyang data at hash).

Bakit posibleng magsara ang isang coin?

May ilang dahilan kung bakit namin posibleng isara ang isang coin:

  • Para sa gawain sa maintenance (mga update sa coin, SWAP, fork, atbp.)
  • Kapag hiniling ng developer
  • Kung hindi gumagana nang maayos ang explorer
  • Para sa pag-delist
  • Dahil sa mga pag-atake sa network ng coin (51%, at iba pa)

Pag-aalis ng coin (pag-delist)

Dalawa ang paraan ng pag-delist ng coin na ginagamit sa aming exchange:

  • Karaniwang proseso ng pag-delist
  • Pag-delist ng mga "dead" na coin

Puwedeng alisin ang isang coin sa exchange para sa mga sumusunod na dahilan:

  • Hard fork sa pag-transfer ng mga lumang coin sa isang bagong link
  • Pag-swap ng coin
  • Mga pag-atake sa blockchain ng coin
  • Pagkawala ng access sa website o explorer ng isang coin sa mahabang panahon

Bago ganap na alisin ang isang coin mula sa exchange, may yugto na hanggang 30 araw kung kailan puwedeng i-withdraw ng mga customer kanilang mga holding.

Bakit posibleng ituring na dead ang isang coin, at paano nangyayari ang pag-delist?

Maaalis ang mga coin sa mga sumusunod na sitwasyon:

Pagiging hindi stable ng network sa loob ng matagal na yugto ng panahon.

Paghihinala na ang Developer ng coin ay naugnay sa hindi etikal o mapanlokong aktibidad.

Inabandona o hindi na ipinagpatuloy ng developer ang isang coin.

Pagtanggi ng Developer na mapunan ang mga nawala sa mga customer ng exchange bilang resulta ng pag-atake sa blockchain ng coin o error sa software ng coin.

Pagkabigo ng Developer na igalang ang copyright ng mga third party o kumpanya.

Karaniwang ginagamit ang isang token mula sa exchange para mapunan ang balanse ng mga "dead" na coin.

Itinuturing ito na bayad para sa mga "dead" na coin.

Ang bahagi ng bayad na kinukuha para sa listing ng isang inalis na coin ay kino-convert sa CREX token at babayaran sa mga customer na mayroong coin na aalisin.

Ike-credit ang bayad ilang sandali pagkatapos ng pag-delist.

Habang posibleng i-delete na lang ng ibang exchange ang isang coin, ibinabahagi namin ang bayad para sa listing sa aming mga customer.

Libreng listing. Paano mo pipiliin kung aling mga coin ang isasama sa listahan ng pagboto?

  • Dapat ay ganap na nakalista sa CMC ang coin
  • Sa 1000+ customer ng aming komunidad (Twitter/Telegram/Discord)

Kaya kung mas malaki ang komunidad, mas maganda ang mga tsansa.