Patakaran sa Anti-Money Laundering (Patakaran sa AML)
Ang money laundering ay ang pagkukubli sa ilegal na source ng mga pondo sa pamamagitan ng pag-convert dito sa cash o investment na mukhang lehitimo.
Itatalaga ng CREX24 ang sarili nitong mga pamamaraan para sa pagtukoy ng pagsunod sa mga pamantayan sa anti-money laundering at patakarang Know Your Customer (KYC).
Dapat kumpletuhin ng Mga Customer ng CREX24 ang isang pamamaraan sa pag-verify (dapat silang magbigay ng dokumento ng pagkakakilanlan na ibinigay ng estado: pasaporte o ID card). Nakalaan sa CREX24 ang karapatang kolektahin ang impormasyon sa pagkakakilanlan ng Mga Customer para sa mga layunin ng Patakaran sa AML. Ang impormasyong ito ay mahigpit na pinoproseso at sino-store alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng CREX24.
Posible ring humiling ang CREX24 ng pangalawang dokumento sa pagkakakilanlan ng Customer: isang bank statement o utility bill na hindi mas luma sa 3 buwan, kung saan kasama ang buong pangalan at kasalukuyang address ng Customer.
Ive-verify ng CREX24 ang pagiging tunay ng mga dokumento at impormasyong ibinigay ng Customer at nakalaan dito ang karapatang humiling ng karagdagang impormasyon sa Mga Customer na natukoy bilang mapanganib o kahina-hinala.
Kung nagbago ang impormasyon sa pagkakakilanlan ng Customer o kung mukhang kahina-hinala ang kanilang aktibidad, may karapatan ang CREX24 na hilingin ang mga pinakabagong dokumento sa Customer, kahit na-authenticate na sila dati.
May karapatan ang isang Anti-Money Laundering Officer na makipag-ugnayan sa mga ahensya sa pagpapatupad ng batas na may kaugnayan sa pag-iwas sa money laundering, pagbibigay ng tulong-pinansyal sa terorismo, at iba pang ilegal na aktibidad.
Hindi kumpleto ang listahan sa itaas. Sinusubaybayan ng AML Policy Compliance Officer ang mga transaksyon ng mga Customer araw-araw para matukoy kung iuulat sila at ituturing silang kahina-hinala.
Alinsunod sa mga internasyonal na kinakailangan, gumagamit ang CREX24 ng nakabatay sa panganib na pamamaraan sa paglaban sa money laundering at pagbibigay ng tulong-pinansyal sa terorismo. Samakatuwid, ang mga hakbang para sa paglaban sa money laundering at pagbibigay ng tulong-pinansyal sa terorismo ay alinsunod sa mga tinukoy na panganib, na nagbibigay-daan para mahusay na pagkakalaan ng mga resource. Ginagamit ang mga resource ayon sa priyoridad na batayan; kung saan ang pinakamalaking pansin ay ibinigay sa mga pinakamalaking panganib.