Tungkol sa amin

Ang aming mga bata at masigasig na team ay nagtatrabaho na sa proyekto simula pa noong 2017. Mayroon kaming malawak na pag-unawa sa digital na trading ng currency at alam namin ang pangangailangan ng aming mga customer. Ang isang trader ay dapat may malawak na mapagpipilian ng mga asset para sa trading, samakatuwid, hindi lang mga sikat na cryptocurrency ang iniaalok namin (Bitcoin, Ethereum, Litecoin, NEM, at iba pa), iniaalok din namin ang mga bihirang crytocurrency. Patuloy na humahaba ang aming listahan ng mga trading pair. Palagi kaming bukas sa pakikipagtulungan sa mga may-ari ng cryptocurrency.

Ang aming interface ay simple at direkta para sa parehong may karanasan at nagsisimula pa lang na trader. Nasa aming API ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon. Ang aming exchange rate ay nagbibigay-daan sa iyong magsagawa ng tumpak at mabilis na pagsusuri ng kasalukuyang sitwasyon sa exchange market. Pinapahalagahan namin ang pagprotekta ng data at pinapanatili naming secure ang personal na data at pondo ng aming mga customer.

Itinatakda namin nang sobrang baba ang aming komisyon para kumita ang mga trader hangga't maaari. Nagbibigay kami ng rebate sa mga market maker (karagdagang remuneration), at hindi namin nililimitahan ang mga deposito at withdrawal. Para magdeposito at mag-withdraw ng pera, puwede mong gamitin ang parehong cryptocurrency at fiat currency, kahit gumagamit ka ng bank card.

Nakikipag-ugnayan sa English at Russian ang aming Customer Support Team.

Naniniwala kaming ang cryptocurrency trading ay isa sa mga pinakamapagkakakitaan at mahusay na larangan ng exchange trading: Noong 2017, lumago nang husto ang market ng cryptocurrency, at patuloy itong lumalago sa ngayon.

Ang CREX24 ay isang modernong crytocurrency exchange na may magandang potensyal.

Ang aming mga paraan ng pagbabayad